Friday, July 22, 2011

Ang Babae sa Septic Tank

Mula sa direksyon ni Marlon Rivera, isang kagila-gilalas na pelikula ang naitampok sa Cinemalaya.

Ang katotohanan sa industriya ng pag-arte sa harap ng kamera ang paksa ng kwento. Umikot ito sa tatlong taong may pagmamahal sa paggawa ng pelikula na pawang nangangarap na umani ng maraming parangal hindi lamang dito sa bansa kung hindi sa labas rin ng bansa.

Ito ay parang isang parody ng kung anong tunay na nangyayari sa proseso ng paggawa ng pelikula.

Cuchera

Mula sa direksyon ni Joseph Israel Laban, ang Cuchera ay isa sa pinaka-kahanga-hangang entry sa Cinemalaya ngayong taong 2011. Tungkol ito sa mga drug mule na ipinapadala sa ibang bansa.

Main Actors/Actresses: Maria Isabel Lopez, Samuel Ibarra, Cj Ramos, Paolo Rivero, Jonathan Neri, Marissa Sue Prado, Isadora at Kimmy Fajardo.

Kwento ito ni Isabel, isang beteranang drug mule. Ipinakita ang kanyang sistema sa pangangalap ng mga taong makakasama niya sa pagbibitbit ng droga. Naka-schedule silang umalis papuntang China. Halaw ito sa tunay na buhay. Ang mga droga, Heroin, ay nilulunok at pinapasok sa pwerta at sa butas ng puwit.

Para sa akin, bahagya itong marahas sa paraang ipinapakita dito ang aktwal na pagpasok ng droga sa katawan ng isang tao. Ipinakita rin ang aktwal na pagtatalik sa isang eksena.
Iba talaga ang nagagawa ng karihapan sa panahong ito. Lubos na nakakahabag ang mga taong nauuwi sa ganitong trabaho.

Isa nanamang realidad ng buhay ang aking nasilayan.

Sunday, July 17, 2011

Maskara


Film by Laurice Guillen. Based on Johnny Delgado's life and death.

Nakakabilib to grabe. Kung iisipin mo lang, napakahirap alalahanin ang lahat ng bagay na nangyari sa buhay ng isang taong pinakamamahal mo na ngayon ay wala na. Bawat bagay na nagpapaalala sa taong namaalam na ay tila napakasakit para sa taong umaalala nito. Bilib ako kay Laurice Guillen. Para bang isinali niya ko sa kanyang pagluluksa.

Nabasa ko na fictional character pala dito si Anna (Ina Feleo), anak siya sa unang asawa ni Bobby( Tirso Cruz III). Sabay na yumao ang ama ni Ina Feleo at si Johnny Delgado.

Sa eksenang ang lahat ng kaibigan ni Bobby( Tirso Cruz III) ay nagsasalita tungkol sa kanya, ang lahat ng kanilang sinasabi ay totoo at hindi kathang isip. Si Johnny Delgado talaga ang kanilang tinutukoy at pinaguusapan. Makikita dito kung anong klaseng tao si Johnny bilang isang tao, kaibigan, asawa, at ama.

Ang misteryoso lang dito sa pelikulang ito ay kung bakit hindi kailanman sinabi ni Bobby kay Laurice ang tungkol kay Anna.

Dapat nga lang talaga na ito ang kanilang ipinalabas sa pagbubukas ng Cinemalaya 7.


Saturday, July 16, 2011

Bahay Bata


Hmmmm. Okay. Eto ang palabas na masasabi ko eh, walang umpisa at wala ring wakas. Kahit na ang mga bagay na nangyari dito ay nangyari lang sa buong maghapon, sobrang siksik ang bawat pangyayari at talaga namang may mapupulot kang aral.

Ang pelikulang ito ay nagsimula sa isang buntis na babaeng naglalakad papunta sa Fabella Hospital. Bulag ang isa niyang mata. Sa ospital na iyon, maraming nanganganak. Sabay sabay pa nga at mukhang walang labor room doon. Nasa iisang kwarto lang ang mga manganganak na nanay. Hinahanggaan ko kung paanong nakuhanan nila ang akto ng panganganak ng mga babaeng iyon.

POV ni NarsSarah: Mababang suweldo ng mga nars dito sa Pilipnas. Ayaw niyang magabroad ngunit mapipilitan siya dahil sa hindi sadyang pagkakabuntis dahil sa isang may asawang lalaki. Pinagdesisyunan niyang mag-apply sa abroad. Sa huli, uminom siya ng pills na nakakapagabort. Realidad iyan sa ating bansa, kadalasan napipilitan ang mga nars na magabroad sa hirap ng buhay.

POV ni Cathy: Bata pa lang nakipagtanan na. Nanganak siya ng sanggol na walang butas ang puwit at hindi rin sila makabayad sa ospital. Siya ang supplier ng gatas para sa mga sanggol na ang ina ay hindi makapaglactate.

*nakalimutan ko na ang pangalan ng mga karakter*
POV ng Detainee na nanganak: Ikaw kaya ang makulong at manganak? Alam kong iispin mo kung paano mo bubuhayin ang anak mo sa sitwasyon mo.

POV ng Babaeng nagbubuntis na sa ikaapat niyang anak: Ang tatlo ay hindi nabuhay.

Pansin ko na halos karamihan ng babaeng nanganak ay walang kasamang asawa nang magpunta sa ospital.