Friday, July 22, 2011

Cuchera

Mula sa direksyon ni Joseph Israel Laban, ang Cuchera ay isa sa pinaka-kahanga-hangang entry sa Cinemalaya ngayong taong 2011. Tungkol ito sa mga drug mule na ipinapadala sa ibang bansa.

Main Actors/Actresses: Maria Isabel Lopez, Samuel Ibarra, Cj Ramos, Paolo Rivero, Jonathan Neri, Marissa Sue Prado, Isadora at Kimmy Fajardo.

Kwento ito ni Isabel, isang beteranang drug mule. Ipinakita ang kanyang sistema sa pangangalap ng mga taong makakasama niya sa pagbibitbit ng droga. Naka-schedule silang umalis papuntang China. Halaw ito sa tunay na buhay. Ang mga droga, Heroin, ay nilulunok at pinapasok sa pwerta at sa butas ng puwit.

Para sa akin, bahagya itong marahas sa paraang ipinapakita dito ang aktwal na pagpasok ng droga sa katawan ng isang tao. Ipinakita rin ang aktwal na pagtatalik sa isang eksena.
Iba talaga ang nagagawa ng karihapan sa panahong ito. Lubos na nakakahabag ang mga taong nauuwi sa ganitong trabaho.

Isa nanamang realidad ng buhay ang aking nasilayan.

No comments:

Post a Comment